Monday, December 6, 2010

Marla Carla - Dula-dulaan (Komedya)

Mga tauhan:
Carla Humangin- yaya ng pamilya Crisanto.
Marla Crisanto- Isang mayamang mayabang. Mapangmaliit.
Mrs. Crisanto/ Mommy- Mabait na amo.
Mr. Crisanto/ Daddy- May secreto tungkol sa nawawalang anak. Mabait na ama.
Mga yaya/ katulong
Hardinero
Doktor
Nars 


Pumasok si Carla sa stage... umupo sa upuan.
Ako ay nakatira sa malaking bahay....
Pumasok si Marla
Marla: Carla asan ka ba? Maghahanda ka pa sa noche Buena natin bukas.
Carla: ma’am nandyan na po....
           Nakikitira lang pala sa malaking bahay ng kwago...
Marla: o, sya, pumunta ka na sa palengke at bumili ka ng maraming fried chicken....
Carla: opo ma’am
Lumabas si carla
Ibang mga katulong pumasok.
Marla: hay naku! Kung hindi lang siya napamahal kay mommy matagal ko na siyang
           pinalayas!
Yaya 2: tama yan ma’am. Dapat na yan ipalayas dito sa pamamahay nyo! Grabe syang mang  echos!
Marla: tumahimik ka girl ha.... Echosera!
Yaya 2: ayy meganon?
Marla: ay, wala. Hali ka na nga.
-Lumabas ang katulong (yaya 2) at si Marla
-Pumasok ang mag-asawa
Daddy: habang lumalaki sya, lamalaki ang ulo.
Mommy: hindi naman ah. Ang liit-liit na nyan. Baka dumadaan lang sa puberty .
Trrrrrriiiiiinnnnnnggggg....
Daddy: hello? Ahh, oo, ako nga.... Ano? ?? ANAK KO SI.......?
Nahimatay ang daddy....
Mommy: Walang hiya ka! Sinong anak? Tinulugan mo nalang ako! tulong! Ang daddy 
                natulog!
Nagmamadaling pumasok sa stage si yaya 3
Yaya 3: ma’am, ayaw kabalaka ma’am! Natulog lang si sir diba?
Mommy: oo nga, pero sino ang mag dadala sa kanya sa kwarto?
Yaya 3: Inday, Juana! Tulungan mo kami dito!
-Nagmamadaling pumasok si yaya 2 at 5
Yaya 2: ang bigat mo sir! Daig mo pa ang baka!
Yaya 5: Double dead ba ito?
Mommy: bilis! Nasobrahan siguro sya nang pampatulog. Humanda ka dad!
-Lumabas sa stage sila lahat
-Pumasok si Carla
Carla: ma’am? Nandito na po ang hilaw na fried chicken!
-Pumasok si Marla sa stage
Marla: Yaya, anu to? Basura?
Carla: ma’am hindi po, fried chicken nyo po.
Marla: ayoko nyan!
Carla: pero....
Marla: Ayoko nga sabi....
Tinapon ni Marla ang manok sa sahig...
Carla: ma’am wag po!
Pumasok ang ibang mga katulong
Marla: isa ka pa!
Nilagay ni Marla ang mukha ni Carla sa chicken
Marla: magsama kayo! Ngayon, bilhan mo ulit ako ng chicken!
Yaya 4: masarap ba?
Carla: Sumosobra ka na!
(nagaway si Carla at marla, inawat ito ng mga yaya)
Marla: O, lalaban ka pa? Umalis ka na nga!
Carla: opo ma’am.
Lumabas na luhaan si Carla
Marla at ibang mga yaya: hahahahaha
Lumabas sila lahat sa stage

Pumasok si mommy
Mommy: Hay naku! Dapat magising na si daddy! May kabit pala siya ha? Humanda sya.
Mga yaya nakikinig/nakikichismis sa sinasabi ng amo(mommy)
Mommy: hay nandyan nanaman kayo! Mga chismosa!
Umalis ang mga yaya
Mabilis pumasok si Marla sa stage
Marla: Mommy?! Ano ang sinasabi ni yaya na may kapatid ako? Totoo po ba yon?
Pumasok si yaya 5
Yaya 5: may kabit pa nga eh..
Mommy: Tumahimik ka Juana! Hindi ko pa talaga alam anak. Hindi pa maliwanag ang lahat sa akin. Hintayin nalang natin ang  iyong daddy na magising.
Trrrrrrriiiiiinnnnggggggg.......
Mommy: hello?
Tao: kayo po ba si Mrs. Crisanto?
Mommy: oho, bakit ho?
Tao: na-aksidente po kasi si Carla Humangin.
Mommy: ano? Si Carla, na-aksidente?
Tumakbo papunta sa stage si daddy
Daddy: ano?
Mahihimatay nanaman sana
Yaya 5: wag na po sir! Ang bigat nyo!
Daddy: o sige.
Mommy: dad ano tong narinig ko kanina? May anak ka sa iba?!
Daddy: hindi, iba ang iyong naiisip. Si Carla ang ating tunay na anak!
Marla: what? Paano? Paano ako?(umiiyak)
Daddy: mamaya na natin iyan pag-usapan. Puntahan muna natin si Carla!
Umalis agad sila lahat
----------------------------
Bumalik na sila
Mommy: mabuti na ba ang iyong pakiramdam anak?
Carla: anak?
Daddy: ikaw ang nawawala naming anak Carla.
Carla: talaga po? Pero....
Mommy: Pero ano anak?
Carla: May pamilya na po ako. Mas Masaya ako duon. Wala pang mananakit sa’kin. Aalis na 
         po ako.
Marla: Hindi ako makakapaniwala sa sasabihun ko pero, Ate, patawad po.
       Alam ko na nagging malupit ako sa’yo. Pero, ipinapangako ko, magiging mabait na ako.
Carla: Talaga? Sana sa ibang tao rin hindi lang sa akin.
Marla: opo ate. Titingnan ko po. Hwag ka po umalis.
Carla: O sige hindi na ako aalis. Pinapatawad na kita Marla.
Mommy: mga dalaga ko!
Yaya 2:     3,.....2,....1,.....  MALIGAYANG PASKO!!!!
Yaya 3: Pista na!!!!!!!!!!!!!
Carla: wait isali nyo ‘tong chicken na isinalba ko.
Pumasok ang doktor at nars
Doktor: It’s showtime!
Yaya 4: Uyy, Gwapo!
Daddy: dok, nakabayad na kami diba? Bakit ka pa nandito.
Doctor: inimbita kasi ako ni yaya eh.
Mommy: may nars pa?
Nars: para kung tumaas ang inyong dugo, nandito lang ako!
Marla: kainan na!
Mommy: nagmamadali ka anak?
Daddy: alam mo naman basta fried chicken, go lang sya ng go!
Mag-asawa tumingin sa isa’t-isa
Hardinero: lets party party!
Kumain ang lahat kasalo pati ang mga katulong
Yaya 4: sayang naman, naputulan ng paa ang manok.
nagpaputok
At magmula noon nabuhay na kami ng matiwasay
----------------------------tilon-----------------------------------



15 comments:

  1. Replies
    1. WAG MANGLALAIT NG IBA KUNG DI MO PA SIGURA DO KUNG ANU SYA TALAGA!!

      Delete
  2. Sayang walang point, wala ding rising action tsaka climax...

    ReplyDelete
  3. sino po buh ang author? ikaw po buh? reply plz!!!! :)

    ReplyDelete
  4. Saan ako makaka kuha ng theme song nito?

    ReplyDelete
  5. Sinong author ?? Sagot Kagad Pls..

    ReplyDelete
  6. SALAMAT NAKATULONG PO!! KASI PINAGAGAWA KAMI NG DULA NA ANG TEMA AY KATATAWANAN BUTI NA HANAP KO TU!!��������������������������⛪⛲��������������⚓��������������

    ReplyDelete
  7. Who is the author? My groupmates and I would be so happy if you will reply. Thank you so much!

    ReplyDelete
  8. ano po ang aral d2... kasi project namin 2... paki tolong nman kahit cno... basta ung may aral

    ReplyDelete